Salamat sa Wikang Filipino

                    Ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag komunikasyon sa ating kapwa. Ang  wika, pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa ating pakikihamok sa mga hamon ng buhay. Bagamat ang Pilipinas na binubuo ng 7,107 na mga pulo na mayroong iba't ibang diyalekto ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa pamamagitan ng paggamit ng iisang wika, ang Wikang Filipino. Kaya naman kahit may iba't ibang kultura, relihiyon, at paniniwala sa bawat panig ng bansa, patuloy na nagkakaisa ang bawat mamamayan ng ating bansa sa paggamit ng Wikang Filipino.

                    Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Ngayong taon ang kasulukuyang tema ay " Filipino: Wika ng Saliksik." Bilang isang mamamayang Pilipino isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabuo ang Wikang Filipino. Sa buwang ito mas naiintindihan nating mga Pilipino ang kahalagahan ng Wikang Filipino. Hindi lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat araw-araw dahil ginagamit natin ang ating wika bawat segundo, minuto at araw-araw sa ating buhay.

                    Sa atin nagbabago na ang estilo ng mundo ngayon, kung saan masasabi na ang mga bagay ay nagiging " high technology " na dapat pa ring isaisip ang pagpapahalaga sa ating sariling wika. Oo nga at tama sa ang Ingles ang " Universal Language " at siyang dahilan upang mas masaliksik pa natin sa mga hindi natin kalahi. Ngunit hindi ito sapat na dahilan upang ipagwalang bahala na lamang natin ang Wikang Filipino, kaya huwag naman sana na sa pagbabago ng pagdaloy ng panahon ay mabago narin ang ating pananaw sa pagpapahalaga sa paggamit ng Wikang Filipino.

                    Taglayin natin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili nating wika, dahil ito ang pinakamabisa nating sandata sa ating pagtatagumpay. Ikarangal natin ang ating wika, at huwag tayong mapagod na paunlarin at gamitin ito. Sapagkat ang ating wika ay mahalaga, at ito ang wika ng mundo, ang wika ng nagpupunyaging Filipino.
                    

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Your Sacrifices Our Freedom